Dismayado ang mga Senador sa pagveto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Security of Tenure Bill.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III , isa sa magiging prayoridad nila ngayong 18th congress ang pagbuo sa mas katanggap tanggap na bersyon ng panukala at muling paghahain nito.
Nagpahayag din ng kalungkutan si Minority Leader Franklin Drilon sa naging pasiya ng Pangulo.
Samantala, sinabi ni Senate Committee on Labor and Employment Chairman Joel Villanuevana na muli na namang nanaiig ang “kita” sa ginawang pagveto ni Pangulong Duterte sa Security of Tenure Bill.
Hiling ni Villanueva na makiisa nawa ang mga employerssa mga manggagagawang laging iniisip ang pangtustos sa pamilya tuwing Ma-E-ENDO o matatapos ang kontrata sa trabaho.