Dumulog na sa Korte Suprema ang mga senador sa isyu ng pagbasura ng Visiting Forces Agreement (VFA).
Naghain ng petition for declaratory relief and mandamus ang mga abogado ng tanggapan ni Senate President Vicente Sotto III sa katas-taasang Korte.
Dito inihirit ng mga senador na magkaroon ng clarification o paglilinaw mula sa Korte Suprema kung dapat bang may concurrence ng mataas na kapulungan sa abrogation o pagbasura ng treaties o kasunduan ng Pilipinas sa ibang bansa gaya sa Estados Unidos.
Kalakip nito ang senate resolution 337 na una nang inaprubahan ng senado na humihimok sa korte na i-define o linawin ng otoridad ng mataas na kapulungan sa paglusaw sa international agreements.
Isa ang Senate President sa mga petitioner habang si Senate Minority Leader Franklin Drilon naman ang siyang tatayong abogado.
Habang tinukoy naman bilang respondent sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Foreign Affairs Teodoro Locsin Jr.
Matatandang ipinag utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbasura sa VFA makaraang kanselahin ng Amerika ang US visa ni Senador Bato Dela Rosa.