Hangad ng mga Senador na makamit ni Senador Manny Pacquiao ang tagumpay sa laban nito kontra kay Jessie Vargas sa araw ng linggo.
Ayon kay Senate Majority Leader Tito Sotto, kumpiyansa siyang mapagwawagian ni Pacquiao ang kaniyang laban kay Vargas.
Umaasa naman si Senador JV Ejercito na ito na ang huling laban ni Pacquiao dahil para sa kaniya, wala na itong dapat patunayan pa.
Tulad ng maraming Pilipino, sinabi naman ni Senador Sonny Angara na kaisa siya sa panalangin para sa pagkapanalo ni Pacman gayundin sa kaligtasan nito sa laban.
Samantala, tanging si Senador Joel Villanueva lamang ang makapanonood sa laban ni Pacquiao dahil nasa Las Vegas, Nevada sa Amerika na ito.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno