Maituturing na hindi makabayan at kawalang katarungan para sa bansa ang pagpapahiya kay Pangulong Rodrigo Duterte sa mata ng world leaders.
Ito ang pananaw ni Senador Panfilo Lacson hinggil sa inihaing crimes against humanity ni Atty. Jude Sabio laban kay Pangulong Duterte at sa 11 pang opisyal sa ICC o International Criminal Court.
Bagama’t ayaw munang pagdudahan ni Lacson ang motibo ng pagsasampa ng kaso, nagtataka ang Senador kung bakit tila itinaon pa iyon sa gagawing ASEAN Summit dito sa bansa.
Sa panig naman ni Senador Antonio Trillanes IV, isang magandang pagkakataon ang pagkakasampa ng kaso laban sa Pangulo.
Dahil dito, magkakaroon aniya ng tunay na independent body na siyang mag iimbestiga sa buong katotohanan sa likod ng libu-libong kaso ng patayan sa bansa at maparusahan ang pangulo na siyang utak nito.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno