Hati ang ilang Senador sa naging pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na isa siyang diktador at mas nanaisin niya ang ganitong istilo para sa Pilipinas.
Ayon kay Senate President Aquilino Pimentel III, dapat aniyang maging mahigpit ang Pangulo upang mayruong magandang mangyari lalo na sa bansa gayundin sa sangay ng ehekutibo.
Pero iginiit naman ni Senador Bam Aquino na hindi kailangan ngayon ng Pilipinas ang isang diktador dahil nagdudulot lamang ito ng mas malalang mga problema tulad ng pagpatay, kawalan ng kalayaan, kahirapan at kurapsyon.
Ang mas kailangan ngayon ng bansa ani Aquino ay ang isang pinunong may kakayahan at tunay na may malasakit sa taumbayan lalo na para sa mga mahihirap.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Cely Ortega-Bueno
Posted by: Robert Eugenio