Ikinalungkot ng mga Senador ang pagpanaw ng kapwa Senador na si Miriam Defensor Santiago
Sinabi ni Senate President Koko Pimentel na mas ikinalungkot niyang hindi niya nadalaw si Santiago sa mga huling araw nito
Ayon kay Pimentel naging professor niya at nakasama sa senado si santiago na lagi niyang pinakikinggan kapag nagsasalita hinggil sa konstitusyon at internaitonal law at marami aniya siyang natutunan dito
Matalik na kaibigan ang turing naman ni senate President Protempore Franklin Drilon kay santiago na naging kaklase niya sa UP Iloilo College at UP College of Law
Si Santiago rin aniya ang kaniyang editor sa Philippine Collegian at siyang nagtalaga sa kanya bilang associate editor
Binigyang diin ni Drilon na walang sinuman sa nakalipas o kasalukuyang Senador ang makakatapat sa katalinuhan at matapang na dedikasyon ni Santiago sa kaniyang mga prinsipyo
Tinawag namang intellectual giant ni Senador Ralph Recto si Santiago na buong tapang aniyang ipinaglalaban ang kaniyang advocacies at nagtataglay ng tatlong B o beauty, brains and balls
Ayon kay Sen. Juan Ponce Enrile, kinalimutan na niya ang lahat ng batikos ng Senadora at wala na siyang sama ng loob dito.
Bagamat madalas sa probinsya, sinabi ni Enrile na nakahanda naman siyang dumalo sa necrological service ng Senado para sa Senadora.
Sinabi naman ni Sen. Ping Lacson na nakikidalamhati siya sa pagkamatay ng Senadora at tiyak na maaalala ito sa pagiging passionate, articulate at certified constitutionalist.
VP Leni Robredo nakiramay din sa pagyao ni Sen. Miriam Santiago
Nakiramay din si Vice President Leni Robredo sa pagyao ni Sen. Miriam Defensor Santiago.
Pinasalamatan ni Robredo si Santiago at ang pamilya nito sa mahabang panahon na kanilang ibinigay sa serbisyo publiko.
Umaasa si robredo na magsisilbing inspirasyon at ehemplo sa pilipino ang buhay ng Senadora
Pakikiramay sa Pamilya ni Sen. Santiago binaha sa Social Media
Binaha ng pakikiramay sa pamilya ni Sen. Miriam Defensor – Santiago, ang social media.
Nag trend sa twitter ang #ripmiriam, #senmiriamsantiago, #ripsenmiriam.
Ayon sa netizens, malaking kawalan ang Senadora dahil kilala itong matalino, matapang at may paninindigan na Senadora.
Ilang opisyales ng COMELEC nakiramay din
Nakiramay rin ang ilang opisyal ng Commission on Elections o COMELEC sa pagpanaw ni dating Senadora Miriam Defensor Santiago.
Naging bahagi kasi si Santiago ng COMELEC dahilan ilang beses tumakbo sa eleksyon ang Senadora.
Unang sumabak sa pagkapangulo noong dekada nobenta pero natalo kay dating Pangulong Fidel Ramos.
Muling sumabak sa halalan para sa pagkasenador kung saan nasungkit niya nga ang tiwala ng mga botanteng pinoy.
At ang pinakahuling pakikipagsapalaran ni Santiago sa COMELEC ay nang tumakbo ito sa Presidential Elections nitong May 9 elections kung saan bagamat hindi nagwagi ay napukaw naman niya ang atensiyon ng mga botante, lalo na ng mga kabataang voters.
Kaugnay dito, sinabi ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na mamimiss niya ang yumaong Senadora Miriam Defensor Santiago at tiyak na gayun din, aniya, ang milyun-milyong Pilipino.
Samantala, si Comelec Spokesperson James Jimenez ay sinabi namang isa sa mga best moments ng taong ito ay nang magkumpirma si Santiago na tatakbo ito sa pagkapangulo at dadalo sa presidential debates.
Maaalalang si Santiago na tinaguriang Iron Lady of Asia.
By: Judith Larino / Katrina Valle / Avee Devierte / Cely Bueno / Allan Francisco