Ipinatawag ng Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang senador para kausapin hinggil sa panukalang national budget ngayong 2019.
Ayon kay Senate President Tito Sotto, inimbitahan siya ng Pangulo sa isang pulong mamayang gabi.
Sinabi ni Sotto na plano niyang isama sa pulong ang ilang mga kasama sa senado tulad nina Senador Ralph Recto, Loren Legarda, Panfilo Lacson, at Juan Miguel Zubiri.
Samantala, kinumpirma ni Sotto na natanggap na nila ang kopya ng 2019 national budget mula sa Kamara.
Inaasahan aniya na sa araw na ito ay matatapos na ng Legislative Budget Research and Monitoring Office o LBRMO ang pagrepaso sa budget.
—-