Dumistansya ang mga Senador sa mga impeachment complaint laban kina Ombudsman Conchita Carpio Morales at Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito’y ayon kay Senador Panfilo Lacson ay dahil sa kanila babagsak bilang impeachment court ang mga naturang kaso sakaling makalusot ang mga ito sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Nagkakaisang pahayag ng mga Senador, ebidensya ang kanilang bubusisiin kahit pa ang Pangulo ng bansa na mismo ang maghain ng kaso laban sa dalawang nabanggit na opisyal bilang mga huwes sa impeachment court.
Magugunitang idineklara ng House Committee on Justice na sapat ang mga inihaing ebidensya laban kay Chief Justice Sereno sa pagpapatuloy ng pagdinig nito kahapon.