Kinakailangang pisikal na dumalo sa pagbabalik sesyon ng kongreso sa Lunes, Mayo 4 ang mga Senador.
Ito ang inihayag ni Senate President Vicente Sotto III para makabuo aniya ng quorum at maaprubahan ang isinusulong na pagbabago sa Senate rules.
Kaugnay ito ng kahilingang payagan ang pagsasagawa ng senate session, meeting at committee hearing sa pamamagitan teleconferencing sa gitna na rin ng pinalawig pang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at ilang mga lalawigan.
Ayon kay Sotto, kinakailangang physically present ang Senador para mapagbotohan ang nabanggit na senate resolution.
Sinabi ni Sotto, matapos ang Lunes at napagkasunduan na ang isasagawang pagbabago sa legislative rule, saka lamang aniya papayagan ang virtual attendance at participation sa mga sesyon at pagdinig.