Handa na ang mga Senador na gampanan ang kanilang tungkulin bilang impeachment judge sa oras na i-akyat sa mataas na kapulungan ng Kongreso ang inihaing impeachment complaint sa KAMARA laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Senate Majority Floor Leader Tito Sotto, laging handa ang Senado na maging impeachment court tuwing may ini-aakyat sa kanilang impeachment complaint.
Inihayag naman ni Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon na nais niyang tumalima ang inter-parliamentary courtesy kaya’t hindi muna siya mag-ko-komento sa magiging proceedings sa kamara.
Sa panig ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na nasa kamay ng mababang kapulungan ng Kongreso kung ikukunsidera ang impeachment complaint na inihain ng Magdalo Partylist.
Mayroon anyang proseso na sinusunod pero bilang Senador ay hindi siya maaaring mag-komento dahil maaaring dumating ang punto na tumayo siya bilang impeachment judge sa naturang reklamo.
By: Drew Nacino / Cely Bueno