Magkakaiba ang sinasabi ng ilang senador hinggil sa ibinigay na briefing sa kanila ng mga security officials ng Malakanyang kaugnay sa idineklarang Martial Law sa Mindanao.
Kung ang pagkakaintindi ni Senador Antonio Trillanes ay hindi inirekomenda ng AFP sa Pangulo ang pagdedeklara ng Martial Law dahil kaya naman umano nilang lutasin ang problema sa Marawi kahit walang Martial Law, iba naman ang pagkakaunawa rito ni Senate Majority Floorleader Vicente “tito” Sotto III.
Ayon kay Sotto, bagamat hindi si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang nagrekomenda pero ang pagkakaalam niya ay mga taga-intelligence service ng AFP ang nagrekomenda ng Martial Law sa Pangulo.
Sinabi ni Sotto na ang problema ay ini-slant ng mga Anti-Duterte ang impormasyon ukol sa naging briefing sa kanila
Samantala , tumangging magsalita sa bagay na ito si Senador Panfilo Lacson dahil sa executive session anya ang ginanap na briefing kaya’t nagtataka siya bakit nagsasalita ang ilan niyang mga kasamahan sa mga napag-usapan sa briefing.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno