Nakatakdang tumulak patungong France si Senate President Koko Pimentel kasama ang iba pang mga Senador sa huling linggo ng buwang ito.
Ito’y para maisulong ng maayos ang relasyon ng Pilipinas at France gayundin sa iba pang mga bansa sa Europa na minsan nang binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pakiki-alam sa drug war ng pamahalaan.
Ayon kay Senador JV Ejercito, ang kanilang parliamentary visit ay bilang tugon sa paanyaya sa kanila ng France makaraang bumisita ang mga mambabatas nito sa Pilipinas kamakailan.
Kabilang sa mga kasamang Senador ni Pimentel ay sina Senador JV Ejercito, Panfilo Lacson at Senadora Loren Legarda.
Giit ni Ejercito, mahalagang mapanatili ang relasyon ng Pilipinas sa France na itinuturing na isa sa mga malaking trading partner na makatutulong ng malaki sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno