May posibilidad na matauhan na ang ilang Senador na hindi pa lumalahok sa nabuong Super Majority.
Ito ang inihayag ni Senador Tito Sotto makaraang magsalita at linawin ni President elect rodrigo Duterte na magiging neutral siya sa usapin ng Senate Presidency.
Ayon kay Sotto, ito na ang magandang pagkakataon para sumama na sa Super Majority ang ilang Senador na nasa kampo ni Senador Alan Peter Cayetano bago mahuli ang lahat, maliban na lamang kung gusto ng mga ito na mag-minority.
Iginiit pa ni Sotto na sinuman ang sumusuporta sa mga programa ni Duterte ay dapat na lumahok sa mayorya.
by: Meann Tanbio