Posibleng irekumenda ng Senate Committee on Public Order and Dangerous drugs ang disbarment sa lahat ng mga alumnus ng Aegis Juris Fraternity na nagsabwatan para pagtakpan pagkamatay ng UST Law freshman student na si Horacio Atio castillo III.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig kahapon, hindi napigilan ng mga Senador ang madismaya sa pamunuan ng University of STO. TOmas dahil sa kabiguan nitong aksyunan ang mga kaso ng hazing sa kanilang Pamantasan.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, tila naging inutil ang UST dahil sa wala itong kaalam-alam namay nangyayari nang hazing sa kanilang bakuran kung saan buhay ang nagiging kapalit ng kanilang kapabayaan.
Kasabay nito, iginiit ni Senador Juan Miguel Zubiri na hindi makapanghihikayat ng miyembro ng Aegis Juris Fraternity kung batid na ng buong UST community na hindi nito kinikilala ang grupo bilang lehitimong frat.