Nagsimula na ngayong araw ang paghahain ng mga panukalang batas at resolusyon ng mga senador para sa 19th Congress.
Alas-8 kaninang umaga kung saan si Senador Loren Legarda ang unang nakapag-file bilang pinaka-senior na senador.
Dalawampung bills ang inihain ni Legarda kung saan una rito ang One Tablet, One Student Bill.
Sumunod si Senator Pia Cayetano at Senator Lito Lapid, na isa sa mga senior senator na nagsumite ng limang panukalang batas.
Kabilang sa senior senators na prayoridad sa paghahain ng mga panukalang batas ay sina Senator Bong Revilla Jr., Alan Peter Cayetano, Chiz Escudero at Jinggoy Estrada.
Samantala, ini-raffle naman ang pila para sa iba pang mga senador, at huli sa pila ang mga bagitong senador na sina Senator Robin Padilla, Raffy Tulfo at Mark Villar. —sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)