Naglabas ng kani-kanilang saloobin ang mga senador kaugnay sa istilo ng pananalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaugnay ito sa pahayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na tatlo sa limang sinabi ng Pangulo ay pawang mga biro lamang.
Ayon kay Senador Francis Pangilinan, dapat payuhan ang Pangulo ng kaniyang mga adviser na ayusin ang pananalita nito dahil siya na ang pinakamataas na pinuno ng bansa.
Para naman kay Senador Francis Escudero, dapat masanay ang publiko sa istilo ng pananalita ng Pangulo at huwag seryosohin ang lahat ng mga sinasabi nito.
Sa panig naman ni Senador Panfilo Lacson, makabubuting hintayin na lamang ang paliwanag ng mga opisyal ng malakaniyang upang lubos na maliwanagan sa mga pahayag ng Pangulo.
By Jaymark Dagala | With Report from Cely Bueno