Nakalulungkot at nakapanghihilakbot ang nangyaring shooting incident sa isang gay club sa Orlando, Florida na ikinasawi ng 50 katao.
Ito ang nagkakaisang inihayag nina Senador Miriam Defensor-Santiago at JV Ejercito.
Ayon kay Santiago, umaasa siya na darating ang araw na hindi na makapamumuhay sa takot sa diskriminasyon at takot sa hate crime ang LGBT community.
Para naman kay Ejercito, ito na ang pinakamalalang mass shooting kaya’t nakikidalamhati siya sa mga naging biktima.
By: Meann Tanbio