Naniniwala ang karamihan ng mga senador na si University of Santo Tomas o UST Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina ang “Big Brother” sa group chat ng mga miyembro ng Aegis Juris fraternity na sangkot sa Atio Castillo hazing case.
Ito’y kahit pa nauna ng inamin ng testigong si Marc Anthony Ventura na si Atty. Arnel Bernardo ang sinasabing Big Brother.
Ayon kay Senator Migz Zubiri, may mga naka-usap siyang mga brod at sis kung saan mismong si Bernardo ang itinuturong Big Brother, bagay na dapat pa nilang beripikahin.
Wala namang nakikita si Senator Ping Lacson na matibay na batayan upang isipin na si Divina ang sinasabing “Big Brother” dahil maaaring ibang tao ang tinutukoy ni Ventura.