Hindi magpapaapekto ang mga senador sa banat ng ilang administration congressmen sa ginagawang imbestigasyon sa isyu nang pagbili ng gobyerno ng medical supplies sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Tiniyak ito nina Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon at Senate Minority Leader Franklin Drilon na nagsabing hindi sila matitinag sa pag-iimbestiga sa naturang isyu.
Iginiit naman ni Gordon na mananatili silang naka-focus sa pagbusisi sa isyu lalo pa’t dumadami at lumalakas ang mga ebidensya sa posibleng iregularidad sa transaksyon ng procurement service ng DBM sa pharmally corporation.—mula sa ulat ni Patrol 19, Cely Bueno