Umaasa ang ilang Senador na luluwagan ng Inter- Agency Task Force o IATF ang ipinatutupad na protocols para sa mga fully vaccinated nang Overseas Filipino Worker o OFW na uuwi ng bansa.
Ito ang kapwa inihayag nila Senate President Vicente Tito Sotto III at Sen. Panfilo lacson makaraang maiparating na nila sa iatf ang hinaing ng mga pinoy na nagtatrabaho sa ibayong dagat.
Ayon kay Lacson, tiwala silang mapag-aaralan ng IATF ang panawgan ng mga ofw na repasuhin ang quarantine protocols upang makapagsagawa ng mga pagbabago.
Una nang humiling si Sotto sa IATF na makipagdiyalogo sa mga samahan ng OFW na sumasama na ang loob dahil sa tila diskriminasyon sa kanilang sariling bansa.
Magugunitang iginiit ni Blas F.Ople Center Convenor at dating Usec. Susan “toots” Ople na dapat gawing pitong araw na lamang ang quarantine kung negatibo naman sa swab test.
Gayundin naman ay kilalanin ang bitbit na quarantine certification ng mga OFW mula sa bansang kanilang pinanggalingan.—ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)