Pinangalanan na sa isinagawang nationwide survey ng Pulse Asia ang mga public figure na maaaring pumasok sa top 30 ng mga Senatorial candidate sa May 2019 midterm elections.
Sa survey ng Pulse Asia noong March 23 hanggang 28, pinili ng 1,200 respondents na makapasok sa top 12 si Senador Grace Poe na nasa rank 1; Senators Cynthia Villar, Pia Cayetano, Nancy Binay, Sonny Angara;
Nasa rank 6 naman hanggang 10 sina Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio, Senate President Koko Pimentel, dating senador Sergio Osmeña, broadcaster na si Erwin Tulfo, dating Senador Lito Lapid;
Pasok naman sa 8th hanggang 15th rank sina Bureau of Corrections Director Ronald Dela Rosa, dating Senador Jinggoy Estrada, Ilocos Norte Governor Imee Marcos, Senators Bam Aquino at JV Ejercito.
Nasa 16th hanggang 20th rank ang aktor na si Robin Padilla, Quezon City Mayor Herbert Bautista, broadcaster na si Ted Failon, dating Interior Secretary Mar Roxas at dating Senador TG Guingona;
Lusot din sa 21st hanggang 25th rank sina dating National Youth Commission Chief Dingdong Dantes, Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian; Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino at dating Environment Secretary Gina Lopez;
26th hanggang 30th rank sina PAO Chief Percida Acosta, Davao City 1st Rep. Karlo Nograles, Presidential Spokesman Harry Roque, Presidential Communications Secretary Martin Andanar at Leyte Rep. Lucy Torres.
—-