Naipakita na ng security officials ng Malakanyang sa mga senador ang video na lumabas hinggil sa pina-planong paglusob sa Marawi City, sa ibinigay na executive briefing sa senado.
Ipinabatid ito ni Senador Panfilo Lacson kaya’t nagtataka siya kung bakit mayroong mga kapwa senador niya pa ang tutol sa idineklarang martial law ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Sinabi ni Lacson na maaaring hindi naiintindihan ng mga senador kung gaano kabigat ang banta sa seguridad nang inilunsad na rebelyon ng Maute Group o posible ring kontra lamang sila sa anumang ginagawa ng Pangulo.
Rebelyon sa Marawi uubrang maresolba ng otoridad kahit walang martial law
Hayaang Korte Suprema na lamang ang mag-desisyon sa legalidad nang idineklarang martial law sa mindanao.
Binigyang diin ito sa DWIZ ni House Minority Leader Edcel Lagman matapos kuwestyunin sa High Tribunal ang nasabing deklarasyon.
Iginiit ni Lagman na walang aktuwal na rebelyon o invasion sa Marawi City kaya’t uubra itong maresolba ng mga otoridad kahit walang pinaiiral na batas militar.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni House Minority Leader Edcel Lagman
By Judith Estrada – Larino | With Report from Cely Ortega – Bueno