Makakatanggap na ng diskuwento sa pagbili ng airline tickets sa pamamagitan ng online booking ang mga senior citizens at persons with disabilities o PWDs.
Ipinabatid ito ng CAB o Civil Aeronautics Board sa pulong ng House Committee on Transportation Technical Working Group hinggil sa karapatan ng airline passengers.
Ayon kay CAB Legal Division Chief Atty. Wyrlou Samodio, may ipatutupad ng adjustment ng airline companies sa kanilang system para mabigyan ng 20 porsyentong diskuwento ang senior citizens at PWDs sa kanilang online transaction.
Sinabi naman ni Atty. Paterno Mantaring ng Cebu Pacific na wala pang kapasidad ang airline booking systems para kilalanin ang senior citizens.
Nag-aapply lamang aniya ang 20% discount kapag nagpa-book sa ticketing agents.
Kapag naipatupad ang CAB order, kailangang magpakita ng ID for verification ang mga senior citizen at PWD’s na bibili ng ticket sa pamamagitan ng onling booking.
Ang nasabing resolusyon ay nakatakdang aprubahan ng CAB bukas, araw ng Huwebes.
By Judith Larino
Mga senior at PWD may discount na sa air ticket online booking was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882