Nakatanggap ng pension at cash gift ang mga senior citizen mula sa Pasig City government ngayong taon.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang pamamahagi ng ayuda sa mga benepisyaryo ay tulong sa gitna ng nalalapit na kapaskuhan kung saan, idinaan ang halaga nito sa kanilang mga ATM cards.
Nabatid na ang naturang cash gift at local senior pension ay para sa mga buwan ng Agosto hanggang Disyembre 2022 na hindi pa nakakatanggap ng benepisyo kabilang na ang mga senior citizen na nawalan ng ATM holders, hindi pa naki-claim ang cash card, o nagkaproblema sa kanilang cash card.
Samantala, maaari pading makatanggap ng cash gift ang pamilya ng mga pumanaw na senior beneficiaries, ipakita lamang ang death certificate ng kanilang kaanak.