Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga senior citizen at persons with disability (PWDs) na magpadala na lamang ng representative kung kukuha ito ng ayuda mula sa gobyerno.
Ayon sa DSWD, mas mabuting kung kaanak na lamang ng mga senior citizen at may kapansanan ang kukuha ng anumang tulong upang maiwasan ang pagpunta ng mga ito sa mga matataong lugar.
Bukod dito, kailangan din na may otorisasyon mula sa senior citizen ang kanilang kaanak na tatanggap ng ayuda.
Samantala, hiniling din ng DSWD kung maaaring magkaroon ng hakbang ang local government units (LGUs) na gawing bahay-bahay ang pagbibigay ng ayuda para makaiwas sa pagkakahawa sa sakit. —sa panulat ni Rashid Locsin