U-ubra nang mag trabaho sa Philippine Children Medical Center (PCMC) ang mga senior citizen.
Kasunod ito nang paglagda ng isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng DOLE, PCMC, Quezon City Government at ni Ang Probinsyano Partylist Representative Ronie Ong.
Ipinabatid ni Ong na magta-trabaho ang mga senior citizen ng 3 oras sa umaga at 3 oras sa hapon at tatanggap ng minimum wage.
Makikinabang dito ang 50 senior citizen mula sa Quezon City na pinili ng Office of the Senior Citizens Affairs ng lungsod.
Ang kontrata ay tatagal ng 15 araw subalit maaari pa itong ma-renew.
Manggagaling sa DOLE ang suweldo ng mga senior citizens na gagawa ng mga magagaang na trabaho.
Una nang inilunsad ang programa sa PUP kung saan 50 senior citizen ang nabigyan ng trabaho.