Pinabibigyang prayoridad ni Sen. Christopher Bong Go sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kapakanan ng mga Senior Citizen.
Ayon kay Go, higit na delikado para sa mga matatanda ang coronavirus disease (COVID-19) lalo na sa mga may pre-existing medical conditions gaya ng may diabetes, hypertension, sakit sa baga, sakit sa puso at kanser.
Giit ni Go ang mga ito ang dapat na hinahatiran o door to door delivery ang mga tulong na kanilang kinakailangan upang maiwasan ang kanilang paglabas ng bahay.
Bukod sa mga Senior Citizen, dapat din bigyan ng pansin ng DSWD ang mga solo parent, indigenous people, public transport drivers at iba pang mga manggawang apektado ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.