Dapat nang payagang makalabas ng kani-kanilang kabahayan ang mga senior citizens o ‘yung mga indibidwal na edad 60 anyos pataas na nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang panawagan ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) para makatulong sa pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa.
Sa Laging Handa briefing, sinabi NCSC Chair Franklin Quijano na pwedeng payagan ang naturang sektor na makapunta sa mga malls, groceries at iba pang lugar sa unang dalawang oras ng kanilang operasyon para matiyak din ang kaligtasan ng mga ito laban sa virus.
Giit pa ni Quijano na ang sektor ng mga senior citizens ay kabahagi ng nation building ng ating bansa.
Sa huli, iginiit ni Quijano na bukod sa pagpapasigla ng ating ekonomiya ay paraan din ito para pangalagaan ang kapakanan ng mga senior citizens.