Target ng Commission on Higher Education o CHED na mabigyan ng certificate program ang mga senior high school sa pagbabalik ng Reserve Officer Training Corps (ROTC).
Ayon kay CHED Officer – in – Charge Prospero De Vera, nasa proseso na ang paggawa ng short – two year program na posibleng magbukas ng pintuan sa mga graduate nito sa kolehiyo tulad ng diploma sa disaster management at kahalintulad nito.
Kumikilos na aniya ang binuong technical panel para sa bumuo ng program sa mga ROTC graduate habang inaantay ang magiging kapalaran ng panukalang pagbuhay sa ROTC sa Kongreso.
Samantala, posibleng matuldukan na ang problema sa naantalang allowance ng mga CHED K-12 scholars sa katapusan ng Pebrero.
Ayon kay De Vera, pinadali at pinabilis na ang proseso ng pagpapalabas ng allowance para sa program kaya’t inaasahang mapalabas ito sa susunod na dalawa hanggang tatlong buwan.
Aniya, sa halip na ipapasa ang mga kaukulang papeles sa mga tanggapan ng CHED ay sa mga paaralan at unibersidad na lamang ito ipapasa at ito na ang siyang magbibigay sa komisyon para maproseso.