Ipinatawag na ng Department of Foreign Affairs ang mga senior official ng Chinese Embassy bilang protesta sa panibagong harrasment ng Chinese Coast Guard sa isa na namang barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon sa DFA, nirereview na rin nila ang impormasyon hinggil sa pagharang at pagbuntot ng mga barko ng tsina sa Research vessel ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Ayungin Shoal.
Ito’y upang ikasa ang panibagong diplomatic action laban sa paglabag ng China sa soberanya ng Pilipinas.
Iginiit ng kagawaran na naganap ang insidente sa loob ng Exclusive Economic Zone at Continental Shelf ng Pilipinas.