Sunod-sunod ang may kalakasang pagyanig sa lalawigan ng Batangas simula pasado 10:00 kaninang umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, volcanic ang origin ng mga pagyanig o dahil sa aktibidad ng bulkan na nakaapekto sa mga bayan ng Bauan at Mabini.
Ipinabatid ng PHIVOLCS na nasa pagitan ng magnitude 3.2 hanggang 4.6 ang lindol na naramdaman ng isang beses sa bayan ng Bauan at 7 beses sa bayan ng Mabini kung saan ang pinakahuli ay kaninang mag 12:00 ng tanghali.