Nagpositibo sa paralytic shellfish poison ang mga shellfish na nakolekta mula sa 19 na lugar sa bansa.
Batay sa pinakahuling bulletin na inilabas ng, lahat ng klase ng shellfish at acetes o kilala sa tawag na alamang na makukuha sa naturang mga lugar ay hindi ligtas para kainin ng tao.
Ang mga lugar na ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
-Malampaya Sound, Taytay in Palawan
-Sorsogon Bay in Sorsogon
-Coastal waters Dauis and Tagbilaran City in Bohol
-Tambobo Bay, Sianton in Negros Oriental
-Coastal waters of Daram Island, Zumarraga, San Pedro, and Cambatutay in Western Samar
-Coastal waters of Calubian, Leyte, Carigara Bay, and Cancabato Bay, Tacloban City in Leyte
-Coastal waters of Biliran Islands
-Coastal waters of Guiuan and Matarimao Bay in Eastern Samar
-Dumanquillas Bay in Zamboanga del Sur
-Balite Bay, Mati City in Davao Oriental
-Lianga bay and Coastal waters of Hinatuan in Surigao del Sur
Gayunman nilinaw ng BFAR na nananatili namang ligtas kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango basta’t ito’y sariwa at mahuhugasan ng mabuti bago lutuin.