Handa na ang shipping containers purpose built na magsisilbing COVID-19 isolation health facilities sa CCP complex sa Pasay City.
Ipinabatid ni DPWH Secretary Mark Villar na ang mga high cube containers na kinonvert bilang mobile rooms ay uubra ring gamiting alternative living quarters ng medical doctors at staff on duty sa mga ospital maging ang mga medical workers na nasa PICC, World Trade Center at Rizal Memorial Coliseum.
Ang 10 piraso ng 20 footer container ay pupuwedeng lagyan ng apat na silid na fully air conditioned at mayruong hiwalay na palikuran at proper ventilation.
Ang mga nasabing container ay patapos na rin at sumasailalim na sa final refurbishing sa pamamgitan ng DPWH-NCR.