Iimbestigahan na ng Commission on Elections ang mga shooting incident sa Bukidnon at Lanao del Sur upang matukoy kung kapwa may kaugnayan ang mga ito sa Eleksyon 2022.
Ito ang inihayag ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan matapos masugatan ang walo katao, kabilang ang isang bata, sa rido ng dalawang pamilya sa Malabang, Lanao del Sur.
Lima naman ang nasaktan matapos pagbabarilin ang grupo nina presidential candidate at Labor Leader Leody De Guzman habang kasama ang ilang indigenous persons sa Quezon, Bukidnon.
Kinondena rin ni Pangarungan ang mga nabanggit na insidente habang mag-a-alok na ang Comelec ng karagdagang security detail sa lahat ng presidential at vice-presidential candidates.