Patuloy na dumarami ang mga sibilyan na lumalabag sa election gun ban.
Ayon sa PNP National Election Monitoring and Action Center, kabilang sa mga nahuli ang mahigit 1,000 sibilyan, 19 na security guards, 10 pulis, 14 na government employees, 5 kagawad mula sa ibang law enforcement agency, 4 na sundalo, at 2 militiamen.
Giit ni PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor, ang mga naaresto ay kakasuhan ng paglabag sa omnibus election code at illegal possession of firearms.
Ang gun ban ay epektibo mula Enero 10 hanggang Hunyo 8 taong kasalukuyan.
By Jelbert Perdez