Bumuo na ang Department of Trade and Industry (DTI) Ng kumiteng babalangkas ng Philippine National Standards sa mga sikat na pagkaing pinoy tulad ng adobo, sinigang, lechon, sisig at iba pa.
Binubuo ang DTI – Bureau of Philippine Standards Committee on Filipino dishes ng mga chef at iba pang personalidad sa larangan ng food manufacturing, processing at food technology.
Dahil sa magkaka-ibang paraan ng pagluluto ng mga nasabing ulam ng mga food writer, blogger at vlogger, nais ng komite na gawing standardize ang cooking technique partikular ng adobo.
Layunin umano ng standardization ng pagluto ng adobo na mapanatili ang pagkakakilanlan ng kulturang pinoy kahit may mga makabagong paraan sa pagluto nito.
Lilikomang komite ng mga review at komento ng mga stakeholder sa sandaling matapos ang draft ng Philippine National Standard.
Samantala, nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na para lamang sa international promotion ang panukalang gawing standardized ang adobo at iba pang lutong Filipino.
Ayon sa DTI, layunin ng nasabing panukala na makabuo ng traditional recipe na ipakikilala sa ibayong dagat.
Ipinunto ng kagawaran na maraming klaseng lutong adobo depende sa rehiyon at tanging ang ipo-promote sa ibayong dagat ay ang standard na putahe.
Noong Mayo pa sinimulang i-develop ng DTI – Bureau of Philippine Standards Technical Committee ang Philippine National Standard para sa adobo.
Una nang binatikos social media ang hirit na magkaroon ng national standard para sa adobo at kinuwestyon kung ito ba ang prayoridad ng gobyerno sa gitna ng COVID-19 pandemic. —sa panulat ni Drew Nacino