Bukas ang mga simbahan sa Visayas at Mindanao para sa mga nais lumikas dulot ng bagyong Odette.
Kasunod na rin ito, ayon kay Reverend Father Denish Ilogon, director ng Social Action Center ng Diocese of Surigao nang paghahanda nila sa pagtama ng bagyong Odette sa kanilang lugar.
Inatasan din ni Ilogon ang mga kura paroko na i-report kaagad sa kanila ang mga residenteng nangangailangan ng tulong.
Ipinabatid naman ni Reverend Father Bong Galas, Social Action Director ng Archdiocese of Cagayan de Oro na nagpulong na sila para paghandaan ang mga posibleng pagbaha at paglikas ng mga maaapektuhan ng bagyong Odette.
Kasabay nito, hiniling ng mga lider simbahan ang pagdarasal para walang maidulot na matinding pinsala ang bagyong Odette.–Sa panulat ni Joana Luna