Inaasahang daragsain ng mga mananampalataya ang mga simbahan ngayong Ash Wednesday o Miercoles De Ceniza, na unangaraw ng Kuwaresma.
Ito’y makaraang maglabas ng guidelines Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), dalawang taon makaraang maunsyami ang holy week activities ng mga katolikong Pinoy dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa CBCP–Episcopal Commission on Liturgy, balik na sa dati ang tradisyunal na pagpapahid ng abo sa noo ngayong Ash Wednesday bilang bahagi ng paggunita sa mahal na araw.
Samantala, nakahanda na rin ang aktibidad ng simbahang katolika para sa Semana Santa.
Sa Abril a-10, Araw ng Palaspas o Domingo De Ramos, bukod sa pagpunta sa mga simbahan, maaari ring dumalo sa selebrasyon sa pamamagitan ng online streaming at hindi na kailangang basbasan ng holy water ang mga palaspas.
Mahigpit ding ipatutupad ang minimum public health protocols, tulad ng social distancing at pagsusuot ng facemask habang lilimitahan ang bilang ng mga tao sa simbahan.