Uubrang gamitin ang mga simbahan bilang alternatibong site para sa pagbabakuna sa mga malalayong lugar sa bansa dahil sa kakulangan ng pasilidad.
Ayon ito kay Health Secretary Francisco Duque III matapos tanggapin ang alok ng CBCP ang pag-convert ng ilang pasilidad ng mga simbahan bilang COVID-19 vaccination sites.
Sinabi pa ni Duque na natutuwa siya sa nasabing alok ng CBCP para maabot din ang mga nasa malalayong lugar.
Kasabay nito ipinabatid ni Duque na nakikipag-ugnayan na sila sa ilang medical at allied health professionals, local government units at iba pang mga sektor para tumulong sa pagsisimula ng vaccine room out at sa pagpapalakas na rin sa tiwala ng publiko sa pagpapabakuna kontra COVID-19.