Sasailalim sa 2 week lockdown ang mga simbahan na nasa ilalim ng diocese ng Novaliches at Cubao sa Quezon City sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ito’y ang inanunsyo ni Bishop Roberto Gaa at Bishop Honesto Ongtioco.
Ayon kina Bishop Gaa at Ongtioco sa pagsasara ng simbahan, bibigyang daan nito ang disinfection at sanitation.
Mababatid na iiral ang lockdown sa mga simbahan sa kanilang diocese mula bukas, 22 ng Marso hanggang Abril 3.
Muli namang magbubukas ang simbahan sa publiko sa Abril 4 o Easter Sunday.
Sa huli, nanawagan ang sina Bishop Gaa at Ongtioco na oras na muling magbukas ang mga simbahan sa lungsod ay tiyaking susunod ang lahat sa umiiral na health protocols kontra COVID-19.