Tinutugunan na ng gobyerno ang pangangailangan ng mga biktima ng bagyong Nona.
Tiniyak ito ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma sa gitna na rin ng panawagan sa gobyerno ng mga biktima ng bagyo na huwag silang kalimutan.
Ayon kay Coloma, kaagad ipinag-utos ng Pangulong Benigno Aquino sa mga ahensya ng gobyerno ang pag-alalay sa mga biktima.
Bukod sa DSWD at DOH, sinabi ni Coloma na nakipag-ugnayan na rin ang pangulo sa LGU’s para sa dagdag na ayuda sa mga sinalanta ng bagyong Nona.
Tumatanggap din naman aniya ng report ang pangulo mula sa mga ahensya ng gobyerno hinggil sa ayuda matapos manawagan sa media ang mga biktima para sa kinakailangang relief goods.
By Judith Larino | Aileen Taliping (Patrol 23)