Ipinahiwatig ni Blue Ribbon Sub-Committee Chair Senador Koko Pimentel na posibleng i-detain sa Pasay City Jail ang ilan sa halos 20 indibidwal na ipina-contempt ng senado dahil sa kabiguang dumalo sa mga pagdinig sa mga alegasyon laban kay Vice President Jejomar Binay at pamilya nito.
Sinabi ni Pimentel na sakaling ipag-utos na ang pag-aresto sa kanila, hindi sa detention facility ng senado mamalagi ang ilan sa mga ito dahil maliit lamang ang detention facility dito.
Ipinabatid ni Pimentel na nasa tanggapan na ng Senate Sergeant-at-Arms ang rekomendasyon at nasa kamay ng mga ito kung kailan ipatutupad ang pag-aresto.
Kabilang sa mga nahaharap sa pagkaaresto ang umano’y mga bagman ni Binay, campaign donors mula sa pamilya Tiu, ilang miyembro ng pamilya Chong na umano’y dummy ng Bise Presidente at contractors ng mga proyekto sa lungsod ng Makati.
By Meann Tanbio