Nagbibigay ng pondo ang EU o European Union at Belgium sa ilang mga NGO o non-government organizations na ginagamit umanong front ng Communist Party of the Philippines.
ito ang isiniwalat ni Armed Forces of the Philippines Deputy Chief of Staff for Civil Military Operations Brig. General Antonio Parlade Jr.
Ayon kay Parlade, mismong ang EU at ang pamahalaan ng Belgium ang nagkumpirma sa kanilang naibigay na tulong sa mga nasabing NGO.
Dagdag ni Parlade, ang EU at Belgium na rin aniya ang nagsabing kanila nang ititigil ang pagbibigay ng pondo sa ilang NGO sa bansa kasunod aniya ng ginawang evaluation ng mga ito dahil sa ibinigay na ulat ng militar.
Aniya, posibleng inakala ng EU at pamahalaan ng Belgium na mga lehitimong NGOs sa Pilipinas ang mga ito.