Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ang gubyerno kundi ang mga sindikato ng iligal na droga ang siyang nasa likod ng mga naitatalang patayan sa bansa
Ito ang tugon ng Pangulong Duterte sa banta ng Prosecutor ng International Criminal Court na si Fatou Bensouda na kasuhan ang Pangulo ng Pilipinas dahil sa mga nangyayaring extra-judicial killings sa bansa
Ayon sa Pangulo, nagtataka siya kung bakit sa kaniya itinuturo ang pagkasawi ng 3000 drug personalities gayung ang mga sindikato naman aniya ng droga ang siyang nasa likod nito para makapagtago sa batas
Sinabi pa ng Pangulo na kumikilos na rin ang mga tinaguriang Narco-Generals na kaniyang pinangalanan upang lipulin ang kanilang mga tauhan at maunahan ang mga awtoridad
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping