Binalaan ng Department of Agriculture ang mga nagbebenta ng smuggled o puslit na sibuyas online o sa mga pamilihan.
Ayon kay D.A Deputy Spokesperson Rex Estoperez, maaaring makulong ang mga mahuhuling negosyante na nagbebenta at nagho-hoard ng sibuyas at otomatikong kakanselahin ang kanilang permit.
Aminado si Estoperez na may mga sindikato o grupo na nagho-hoard o nagtatago ng supply ng nasabing agricultural product.
Isa anya ito sa kanilang tinitingnang dahilan nang pagtaas ng presyo ng nasabing produkto.
Samantala, magpapatuloy ang pagbisita at monitoring ng DA sa mga cold storage facility upang matukoy kung may mga iniipit na supply ng sibuyas sa bansa.