Muling bubuksan sa publiko ang mga sinehan sa Disyembre 1 kasabay ng paghahanda sa pagpapatupad ng mga health protocols.
Ito ang pahayag ni Movie and Television Review Classification Board (MTRCB) Excecutive Director Benjo Benaldo matapos kumpirmahin ang pagbubukas ng mga sinehan at teatro sa susunod na buwan.
Kaugnay ito sa inilabas na guidelines ng Inter-Agency Task Force noong Oktubre 13 kung saan ang mga nasabing establisyimento ay papayagang mag-operate na may 30% kapasidad at may fully vaccinated na mga empleyado.
Binigyang diin din ni Benaldo na 30% hanggang 60% ang posibleng maging kapasidad ng mga sinehan at teatro sa mga lugar na may 70% na ang mga nabakunahang indibidwal.
Samantala, tumanggi namang sabihin ni Benaldo ang mga pelikula na ipapalabas sa mga sinehan sa susunod na buwan. —sa panulat ni Airiam Sancho