Balik-operasyon na ang mga sinehan sa Metro Manila matapos ibaba sa alert level 3 ang quarantine status simula Oktubre 16.
Pinayagan ang mga sinehan na mag-operate sa ilalim ng alert level 3 sa maximum ng 30% indoor capacity para sa mga fully vaccinated individuals at 50% outdoor venue capacity.
Dapat ding bakunado ang mga cinemas at movie house workers at employees.
Una nang inihayag ng Cinema Exhibitor Association of the Philippines na maglalatag sila ng mahigpit na protocol sa pagpapapasok ng mga manonood sa mga sinehan.
Kabilang sa mga ipatutupad ang one-seat-apart policy, panonood habang naka-facemask habang ipagbabawal ang pagkain.
Simula marso noong isang taon, aabot na sa P21 bilyon ang nalugi sakita ng mga sinehan at mahigit 300k cinema workers ang nawalan ng trabaho.—sa panulat ni Drew Nacino