Makakatanggap ng ‘sweet deals’ ang mga single employees ng local government unit sa Jose Abad Santos sa Davao Occidental at General Luna sa Quezon.
Ito ay ang paid leave na may kasamang P2,000 na allowances na matatanggap sa araw ng mga puso o sa February 14.
Hindi naman kasama sa deal ang mga may jowa na at ang may mga asawa.
Para makuha ang deal, kailangan na may litratong patunay na ipapakita pagpasok ng February 15 at kung wala ay ibabalik ang allowance. —sa panulat ni Abby Malanday