Itatalaga bilang tagapagbantay ng seguridad sa ASEAN o Association of Southeast Asian Nations Summit ang mga pulis Caloocan na tinanggal sa pwesto nuong Setyembre.
Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde , maaaring ideploy ang mga sinibak pulis dahil matatapos na ang kanilang tatlumpung araw na re- training bago magsimula ang ASEAN Summit.
Dagdag ni Albayalde , wala silang namomonitor na mga banta ng seguridad sa ASEAN na idaraos mula November 10 hanggang 14 sa Clark , Pampanga at PICC sa Pasay City.
Magugunitang , sinibak ng NCRPO ang lahat ng tauhan ng Caloocan City Police matapos masangkot ang mga ito sa pagkamatay ng mga kabataan na sina Kian Lloyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz at maging ang panloloob sa isang bahay.