Itatalaga para magbantay sa seguridad ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit ang mga pulis – Caloocan na tinanggal sa pwesto noong Setyembre.
Ayon kay National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, eksaktong matatapos na ang tatlumpong araw na training ng mga nasibak na pulis – Caloocan bago magsimula ang ASEAN Summit.
Dagdag ni Albayalde, wala pa silang namomonitor na mga banta sa seguridad ng ASEAN Summit na idadaos sa Nobyembre 10 hanggang 14 sa Clark, Pampanga at PICC sa Pasay City.
Magugunitang, sinibak ng NCRPO ang lahat ng tauhan ng Caloocan City Police noong Setyembre matapos masangkot sa pagkamatay ng mga binatilong sina Kian Loyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz, at maging ang pangloob sa isang bahay.